Pekeng CTPL di uubra sa LTO-IT projects
Pilay at napipigilan ng Land Transportation Office–information Technology Project ang issuance ng mga pekeng compulsory third party liability certificates of cover gayundin ay hindi uubra ang modus operandi ng mga fly by night insurance firms sa naturang proyekto
Ang Stradcom Corporation na private sector technology partner ng LTO ay nagsabing higit na napoprotektahan ng proyekto ang mga car owners mula sa pambibiktima ng mga fly by night insurance firms na nagbebenta ng peke at duplicate CTPLs.
Ang paglilinaw ay ginawa bilang reaksiyon sa ulat na bigo ang LTO na mapigilan ang CTPL anomalies.
Malaki ang paniwala ng Stradcom na ang mga pahayag na ito ay pawang gawa gawa lamang ng mga fly by night insurance firms na naaapektuhan ang modus operandi dahil sa patuloy nilang kampanya laban sa mga ito.
- Latest
- Trending