^

Bansa

Chinese mafia tugis sa rice hoarding

- Gemma Amargo-Garcia -

Kasalukuyang sinisi­ yasat ngayon ng Bureau of Immigration ang ma­impluwensyang sindi­kato ng mga dayuhang Chinese na nagma­manipula sa suplay at presyo ng bigas sa bansa.

Responsable  uma­no ang Chinese mafia sa grabeng pagtaas sa presyo ng bigas sa naka­lipas na mga araw kaya mabilis nauubos sa pa­milihan ang murang bigas ng National Food Authority.      

Kaugnay nito, hina­habol na rin ng BI ang sindikato ng isang Chinese national na ku­mikilos sa Isabela.

Ayon kay BI Commissioner Marcelino Liba­nan, nakatanggap sila ng ulat na isang Chinese national ang siyang may kontrol  ng  pagbe­benta at nagma­manipula ng presyo ng bigas sa na­sabing la­lawigan.

Dahil dito, agad nag­padala ng grupo si Liba­nan sa Isabela upang im­bestigahan ang nasa­bing mga dayuhan kung aw­ to­ri­sado ang mga ito na mag negosyo sa ban­sa.

Kaugnay nito, agad namang nagpalabas ng nationwide alert ang BI laban sa mga dayu­han na bumibili ng agricultural products na may intensiyong mag­tago at magmanipula ng bigas.

Sa hiwalay na pana­yam, sinabi kahapon ni Department of Justice Secretary Raul Gonza­lez na alam at may basbas ni Pangulong Gloria Arroyo ang plano ng pamahalaan na kum­piskahin ang mga bo­dega ng mga manga­ngalakal na nag­bantang magsa­sagawa ng rice  holiday.

Sinabi ng kalihim na ang pagkumpiska sa mga bodega ay alinsu­nod sa probisyon ng 1987 Constitution na nag­ bibigay ng protek­syon sa kapakanan ng lahat sa panahon ng mga emergency kabi­lang na ang mga “artificial shortage”.

Ang take over scenario umano ay tinala­kay sa Cabinet meeting noong nakaraang ling­go na inaprubahan na­man ng Pangulong Arroyo ang naturang opsyon.

Pinayuhan naman ng Kalihim ang mga rice dealers na pag-isipang mabuti kung igigiit nila ang banta nilang pag­ daraos ng rice holiday matapos na bawiin ng gobyerno ang kanilang permiso na makapag retail ng bigas.

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCELINO LIBA

DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY RAUL GONZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with