^

Bansa

Suplay ng manok at itlog parang ukay

-

Mistulang ukay-ukay na ang suplay ng manok at itlog sa bansa dahil higit na marami ang suplay nga­ yon kumpara noong na­kalipas na taon.

Sa pahayag ni Grego­rio San Diego Jr., pangulo ng United Broiler Raisers Association (UBRA) at Philippine Eggboard, 58 percent na dagdag na paglago ang inaasahan nila ngayong taon mula sa 21 percent nitong 2007 sa produksyon ng itlog, ha­bang 2% pag­lago naman sa taong ito para sa suplay ng manok.

Ayon kay San Diego, bunsod na rin ito ng pag­daragdag ng mga breeder ng tinatawag na day-old chicks o mga sisiw  na palalakihin at paiitlugin bilang pagtalima naman sa paghimok ng Dept. of Agriculture na tiyaking ma­nanatili ang matatag na suplay.

Gayunman, pinanga­ngambahan lamang ni San Diego na kapag nag­patuloy  ang ganitong la­bis-labis na produksyon sa sektor ng magma­manok,  posibleng tumigil aniya sa ganitong ne­gosyo ang ilan nilang mga kasamahan dahil hihina ang kita at posibleng magkabagsakan pa ng presyo.

Umaasa na lamang si San Diego na magkaroon ng shifting o pagpapalit ng binibili ng mamimili mula sa baboy na inaasahang tu­ma­as ang presyo dahil sa hindi normal na pro­duk­syon o dami patungo sa manok na hindi pa aniya nila nakikitang nangyayari sa ngayon. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

CRUZ

PHILIPPINE EGGBOARD

SAN DIEGO

SAN DIEGO JR.

SHY

UNITED BROILER RAISERS ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with