Tutol ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagpasok sa bansa ng “Playboy,” isang adult magazine na mula sa Estados Unidos.
Ayon kay CBCP spokesman Msgr. Pedro Quitorio, dapat na mai-ban dito sa Pilipinas ang nasabing magazine dahil ang paglaganap ng mga ganitong uri ng aniya ay “obscene materials” ay patunay lamang nang pagbaba na ng moral values sa kasalukuyang henerasyon ng mga Pinoy.
Iginit naman ni Palawan Bishop Pedro Arigo na dahil sa pagkakaroon ng Philippine Edition ng Playboy, lalo lamang aniyang madaragdagan ang pagkakasala ng mga nahuhumaling sa sex. “It would add to our sexual pervasiveness,” ayon kay Arigo.
Gayunman, una nang ipinangako ng pamunuan ng Playboy Philippine Edition na rerespetuhin nila ang kultura ng Pilipinas na mas konserbatibo kaysa ibang bansa. (Doris Franche)