^

Bansa

‘Playboy’ i-ban - CBCP

-

Tutol ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagpasok sa bansa ng “Playboy,” isang adult magazine na mula sa Estados Unidos.

Ayon kay CBCP spokesman Msgr. Pedro Quitorio, dapat na mai-ban dito sa Pilipinas ang nasabing magazine dahil ang paglaganap ng mga ganitong uri ng aniya ay “obscene materials” ay patunay lamang nang pagbaba na ng moral values sa kasalukuyang henerasyon ng mga Pinoy. 

Iginit naman ni Pala­wan Bishop Pedro Arigo na dahil sa pagkakaroon ng Philippine Edition ng Playboy, lalo lamang aniyang madaragdagan ang pagkakasala ng mga nahuhumaling sa sex. “It would add to our sexual pervasiveness,” ayon kay Arigo.

Gayunman, una nang ipinangako ng pamunuan ng Playboy Philippine Edition na rerespetuhin nila ang  kultura  ng  Pilipinas na mas konserbatibo kaysa ibang bansa. (Doris Franche)

BISHOP PEDRO ARIGO

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DORIS FRANCHE

ESTADOS UNIDOS

PEDRO QUITORIO

PHILIPPINE EDITION

PILIPINAS

PLAYBOY PHILIPPINE EDITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with