^

Bansa

2,000 sako ng bigas kuha sa Zambo warehouse

-

Nalambat ng mga ele­mento ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang may 2,000 sako ng bigas sa isinagawang ope­rasyon kaugnay ng patuloy na  anti-rice hoarding and smuggling campaign ng ahensiya sa Zamboanga City.

Inutos na ni PASG Head Usec. Antonio “Be­bot” A. Villar Jr. kay PASG Western Mindanao Director Dominic Kabigting ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa may-ari ng warehouse na si Rommel J. Doroteo na sinasabing walang lisensiya para magnegosyo ng butil. Na­diskubre sa warehouse ang na-repack na NFA rice na sinasabing naibebenta bilang commercial rice.

Pinaghihinalaan ng mga awtoridad na ang ilan sa mga sako ng bigas sa na­turang lugar ay smuggled mula Sandakan, Malaysia makaraang walang maipa­ kitang balidong dokumento si Doroteo hinggil sa im­portasyon nito. 

Sa raid, ikinagalit din ng raiding team ang tangka umanong panunuhol ng mga tauhan ni Doroteo kay Kabigting. 

“Why bribe my men if he (Doroteo) was a legitimate rice trader.. Doroteo will face additional charges of bribery,” pahayag ni Villar. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

DOROTEO

HEAD USEC

INUTOS

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

ROMMEL J

SHY

VILLAR JR.

WESTERN MINDANAO DIRECTOR DOMINIC KABIGTING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with