Kaya sira ang reputasyon ng Pinas: Survey sinisi ni Gonzalez

Sinisi kahapon ni Justice Secretary Raul Gon­zalez ang mga survey group kaya umano nasi­sira ang reputasyon ng Pilipinas sa international community ay dahil sa mga negatibong survey.

Ayon kay Gonzalez, ang mga naturang survey ang dapat sisihin sa pag­kasira ng reputasyon ng bansa dahil sa halip na maisulong ang magagan­dang ginagawa ng gob­yerno para sa mga ma­mamayan ay sila pa ang nagiging dahilan upang pabahuin ang imahe ng Pilipinas.

Naniniwala din ang Kalihim na hindi dapat pang bigyang espasyo sa mga pahayagan, telebis­yon at radio ang mga negatibong survey upang maiwasan ang pagyurak ng mga dayuhan sa pa­ma­halaan.

Inamin naman nito na hindi kumakatawan sa majority ng mga Filipino ang ma natatanong sa mga survey pero malaki pa rin ang epekto nito sa takbo ng ekonomiya.

Sa pinakahuling sur­very ng Pulse Asia, lagpak sa rating si Pangulong Arroyo at tumaas ang porsi­yento ng mga nagdarahop na Pinoy habang lalo pang lumala ang talamak na korapsyon sa gobyer­no. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments