Kapit bisig ang pamunuan ng National Food Authority (NFA) at ang National Bureau of Investigation (NBI) para tuluyang masugpo ang operasyon ng ilang mga tiwaling ne gosyante ng bigas sa bansa.
Kasalukuyang binabalangkas ng magkabilang panig ang isang kasunduan para pormal na palakasin ang kanilang kampanya laban sa rice hoarding, rice diversion at pagtaas ng presyo ng bigas.
Ayon kay NFA Administrator Jessup Navarro, pursigido silang galugarin ang mga warehouse sa buong bansa na hinihinalang nagtatago ng sako-sakong bigas, katuwang ang mga tauhan ng NBI.
Ikinatuwa naman ng Malacanang ang positibong reaksyon ng Simbahan, gobyerno, magsasaka at LGU’s sa harap ng mga problema sa bigas.
Sinabi ni Cabinet Secretary Ricardo Saludo, matiti yak ang seguridad sa rice supply kung magtutulungan ang lahat ng sector kaysa magbatuhan ang mga ito ng paninisi sa pamahalaan. (Angie dela Cruz/Rudy Andal)