Masamang epekto ng yosi pinalalagay sa kaha
Upang matakot na ang mga mamamayan na magsigarilyo, iginiit kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., ang paglathala ng mga negatibong epekto nito sa mga pakete. Sa Senate Bill 2147, nais ni Pimentel na ilagay ng mga manufacturers ang lahat ng epekto nang paninigarilyo na nakakasira sa kalusugan ng tao.
Ang paggamit aniya ng mga de-kulay na larawan nito ay magsisilbing ba bala para sa mga nais na manigarilyo at para makumbinsi ang mga kabataan na tigilan na ang paninigarilyo. Sa ulat ng WHO-Global Youth Tobaco Survey, aabot sa 27% kabataang Pinoy may edad 13-15 ang naninigarilyo o 30% pagtaas sa nakalipas na dalawang taon. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending