Dapat umanong humingi ng tawad si Lingayen-dagupan Archbishop Oscar Cruz sa Unang Pamilya dahil sa pahayag na hindi niya bibigyan ng komunyon si Pangulong Arroyo, asawa at mga anak nito dahil sila umano’y mga makasalanan.
Ayon kay Quezon Rep. Danilo Suarez, ang mga taong hindi binibigyan ng komunyon ay ang mga walang kinikilalang Dios at mga tanggal sa relihiyong Ka toliko.
Sinabi ni Suarez na magpupulong ang mga kongresista mula sa Southern Luzon Alliance bago magbukas ang Kamara sa Abril 21para pag-usapan ang tinuran ni Cruz na naghamon pa raw na ireklamo siya sa Vatican.
Tumanggi kasi ang ibang pinuno ng kaparian na disiplinahin si Cruz hinggil sa mga binitiwan nitong salita laban kay Pangulong Arroyo at pamilya nito. (Butch Quejada)