Gumamela pinangalanang ‘Betty Go-Belmonte’
Matapos ang 14 na taon, ibayong karangalan ang iginawad kahapon ng University of the Philippines sa natatangi nitong alumnus matapos na ipangalan ang isang bagong uri ng bulaklak na gumamela kay Star Group of Publications founder Betty Go-Belmonte.
Ibinigay kahapon ni UP chancellor Dr. Luis Rey Velasco sa pamilya Bel monte ang bulaklak na pinangalanang “Hibiscus rosa seninsis BGB” sa pagtatapos ng selebrasyon ng “Buwan ng Kababaihan” sa buong Marso.
“Ang Hibiscus
Tinanggap naman ng kanyang kabiyak na si Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. at anak na sina Kevin at Joy ang naturang bulaklak na may dilaw na petals na may kumbinasyong pula at puti. Lumalaki ang naturang tanim ng katamtaman at may makapal na mga dahon.
“Salamat po sa karangalan at magandang bulaklak. Dahil ang aking ina ay isang mapagma hal na babae, 14 na taon na ang nakakaraan mula nang mamatay siya pero patuloy pa namin siyang naaalala. Nasa amin pa rin ang kanyang impluwensya. Lalagi sa piling namin ang kanyang pamana,” pahayag ni Kevin.
Nabatid na inumpisahang likhain ng UP sa pangunguna
- Latest
- Trending