P4.2B pambili ng binhi ng palay sa’n napunta?
Hiniling ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakayang Pilipinas (Pamalakaya) sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso na imbestigahan ang inilaang P4.2 bilyon pondo para sa Ginintuang Masaganang Ani (GMA) ng Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Gerry Corpuz, spokesman ng Pamalakaya, ang naturang pondo ay ginamit na pambili ng 407,000 sako ng hybrid rice seeds at 225,000 certified rice seeds noong nakaraang taon.
Sinabi ng Pamalakaya na walang natanggap ang mga magsasaka at mangingisda na binhi ng palay mula sa gobyerno noong nakaraang taon.
Posible umano na isa na naman itong panibagong kaso ng fertilizer scam.
Dapat umanong malaman ng publiko kung saan napunta ang naturang GMA fund na pinangangambahang napunta sa bulsa ng mga corrupt na opisyal ng gobyerno. (Doris Franche)
- Latest
- Trending