^

Bansa

Cunanan di bababa

-

Sinabi kamakailan ni Magalang, Pampanga Ma­yor Lyndon Cunanan na mananatili siya sa kanyang puwesto kahit may utos ang isang korte na bumaba siya sa tungkulin at magbi­gay-daan sa kanyang ka­laban.

Ayon kay Cunanan, ipagpapatuloy niya ang kanyang tungkulin sa ka­bila ng writ of execution na ipinalabas ng Pampanga Regional Trial Court na ginagamit ng katunggali niyang si Romulo Pecson para maagaw nito ang kanyang posisyon.

“Pecson’s act is not only brazen but very unlawful and the on-going confusion at the municipal hall has brought chaos,” wika ni Cunanan.

Idiniin niya na nawalan ng hurisdiksyon sa kaso si Judge Zenaida Buan nang naunang ibinalik nito ang usapin sa Commission on Elections. Wala anyang kapangyarihan ang hukom na mag-isyu ng writ of execution na nag-uutos na bakantihin niya (Cunanan) ang office of the mayor at paupuin si Pecson.

Sinabi ni Cunanan, ang kawalang hurisdiksiyon ay una nang binabanggit ni Buan sa isa sa mga ka­utusan nito.

AYON

CUNANAN

JUDGE ZENAIDA BUAN

LYNDON CUNANAN

PAMPANGA MA

PAMPANGA REGIONAL TRIAL COURT

PECSON

ROMULO PECSON

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with