Inumpisahan na ang paghahanap sa pinakamagagandang “dilag” sa Que zon City para sa kauna-unahang Bb. Kagandahang 2008.
Ipapakita sa magaganap na gay beauty pageant ang angkin na talino at talento ng gay community na mapapanood sa Abril 26 para sa Pre-Pageant Night habang sa Abril 30 magaganap ang Coronation Night sa Amoranto Multi Purpose Hall.
Ang patimpalak ay isang charity event at magsisilbing beneficiary ang Munting Tahanan ng Nazareth sa Mabalacat, Pampanga na nagkakalinga ng mga batang may kapansanan.
Kabilang sa mga kwalipikasyon para sa Bb. Kagan dahan ay 17-25 anyos, residente ng Quezon City at dapat magprisinta ng barangay clearance at birth certificate.
Ang mga interesado ay maaring makakuha ng application form sa inyong mga barangay at sa tangapan ni Councilor Janet “Babes” Malaya sa QC Hall.
Maari din tumawag o magtext sa anumang katanungan sa Tavares Events Management 09178470709 (Kare Duka) at 09192964564 (Alex Beatriz) o mag email sa tavaresevents@yahoo.com.