^

Bansa

Ika-5 oil price hike ngayong Marso ikinasa

-

Sa ika-limang sunod ngayong Marso ay muling itinaas kahapon ng mga kompanya ng langis sa P50 kada litro ang presyo ng kanilang produktong petrol­yo habang bilang pampalu­bag ay ibinaba naman ang presyo ng produktong Liqu­ified Petroleum Gas (LPG).

Paliwanag ng mga local na kompanya ng langis na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa pan­daig­digang pamilihan ang da­hilan ng paniba­ gong oil price hike. Hindi na umano nila kayang balikatin ang dating presyo ng kaya kinakaila­ngan na nila itong ipasa sa consumer.

Sa ngayon ay umaabot na sa mahigit $104 kada bariles ang presyo ng krudo sa world market.

Kahapon ng madaling-araw sinimulan ang dag­dag presyo ng Shell na agad sinundan ng Petron, Chevron, Unioil at Total. 

Dahil sa panibagong dagdag presyo ng petrolyo ay umaabot na sa hala­gang P2.50 ang itinaas nito nga­yon pa lang buwan ng Marso dahil sa limang tig-singkwenta sentimos kada litrong dagdag.

Samantala bilang pam­palubag sa publiko ay ibinaba naman nila ang presyo ng kanilang tin­dang LPG ng 50 sentimos kada kilo o P5.50 kada 11kg. (Edwin Balasa)

DAHIL

EDWIN BALASA

KAHAPON

LIQU

MARSO

PETROLEUM GAS

PRESYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with