^

Bansa

Pinoy, 11 yrs. nakulong sa Bangladesh laya na

-

Matapos ang 11 taong pagkakakulong sa Bangla­desh, pinalaya na ang Pinoy seaman na na-convict sa kasong gold smuggling.

Kinilala ni DFA Spokesman Claro Cristobal ang Pinoy na si Wilfredo Ro­sales.

Si Rosales ay naaresto sa Southern Port City ng Chittagong sa Bangladesh noong 1993 dahil sa pag­pupuslit ng ginto. Noong 1997 ay pinatawan ito ng 14 taong pagkakakulong ng Bangladesh High Court.

Gayunman, dahilan sa pagsusumikap ng pama­halaan sa pangunguna ni Philippine Ambassador to Dhaka Zenaida Tacorda-Rabado ay pinababa ang sentensya ni Rosales at hindi na isisilbi ang nalalabi pang dalawang taon.

Ayon sa opisyal, pinag­bigyan ni Bangladesh President lajuddin Ahmed ang kahilingan ng Emba­hada na palayain na si Rosales.

Ang nasabing Pinoy seamen ay darating na sa bansa anumang oras ma­tapos itong iturnover na ng mga opisyal ng Dhaka Central Prison sa RP Embassy doon. (Joy Cantos)

BANGLADESH HIGH COURT

DHAKA CENTRAL PRISON

DHAKA ZENAIDA TACORDA-RABADO

JOY CANTOS

PHILIPPINE AMBASSADOR

PINOY

SHY

SI ROSALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with