Ihi ng tao pataba sa pananim

Isang scientist ng pa­mahalaan ang nanawa­gan kahapon sa mga mag­sa­saka na gamiting pataba sa mga pananim ang ihi ng tao.

Ayon kay Rafael Guer­rero, executive di­rec­tor ng Philippine Council for Aquatic Marine Research and Development ng Department of Science and Technology, mayaman sa nitrogen ang ihi ng tao.

“Mas rumeresponde sa ihi ng tao ang mga gu­lay,” sabi ni Guerrero na nag­dag­dag na kaila­ngang ibalik ang buhay ng lupa sa pamamagitan ng pag­ba­balik dito ng mga organic matter.

Ayon sa mga pana­na­liksik, itinuturing sa mga mauunlad na ban­ sa ang ihi bilang pwe­deng pataba sa food crop agriculture. (Helen Flores)

Show comments