Ihi ng tao pataba sa pananim
Isang scientist ng pamahalaan ang nanawagan kahapon sa mga magsasaka na gamiting pataba sa mga pananim ang ihi ng tao.
Ayon kay Rafael Guerrero, executive director ng Philippine Council for Aquatic Marine Research and Development ng Department of Science and Technology, mayaman sa nitrogen ang ihi ng tao.
“Mas rumeresponde sa ihi ng tao ang mga gulay,” sabi ni Guerrero na nagdagdag na kailangang ibalik ang buhay ng lupa sa pamamagitan ng pagbabalik dito ng mga organic matter.
Ayon sa mga pananaliksik, itinuturing sa mga mauunlad na ban sa ang ihi bilang pwedeng pataba sa food crop agriculture. (Helen Flores)
- Latest
- Trending