PNPA Alumni ad bubusisiin ng DILG

Binuo na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang investigating panel  na siyang hahalukay sa mga utak at nagpondo sa lumabas na advertisement sa isang paha­yagan ukol sa senti­miyento ng mga alumni ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Sinabi ni DILG Un­der­secretary Atty. Ma­rius Corpus na siya ang mangunguna bilang chairman ng naturang panel habang vice-chairman si Asst. Secretary for Interior Danilo Valerio. 

Nakatakdang umpi­sahan ang pagpapa-subpoena kay Philippine Public Safety College Vice-President ret. General Roger Asig­nado upang ipaliwanag kung bakit nito ipinala­bas sa diyaryo ang kon­trobersyal na advertisement na naglalabas ng hinaing umano ng mga alumni ng PNPA ukol sa pagpabor sa promosyon sa mga graduate ng Phi­lippine Military Aca­demy.

Matatandaan na una nang umamin kay Secretary Ronaldo Puno si Asignado na isa sa nasa likod ng advertisement na siyang hinaing uma­no ng marami sa kani­lang mga alumni ng PNPA.  Hahalukayin rin ng panel kung sino pa ang mga kasama ni Asignado at ang nag­pondo nito.

Sinabi ni Corpus na kung sakaling nangya­yari nga ang diskrimi­nas­yon sa PNPA graduates kumpara sa PMAers, hindi pa rin umano tama na ilabas ito sa diyaryo dahil sa nagtatrabaho pa rin siya sa gobyerno kung saan dapat sa DILG muna ipinarating ang hinaing upang ma­ak­syunan.

Sa 28 taon ng pana­natili ng PNPA, dala­wang alumni pa lamang ang nakakaabot sa rang­gong heneral sa PNP sa katauhan nina ret. Director Pedro Bu­laong at PNPA Administrator Chief Supt. Danilo Abarsoza. 

Mas marami naman umano ang pinapalad na makaabot sa rang­gong heneral sa mga PNPA alumni sa Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Fire Protection kabilang na si Asignado na nag­retiro sa ranggong Director o isang “two star general”.

Show comments