^

Bansa

Mas mainit sa Abril at Mayo - PAGASA

-

Mas matinding init pa ang mararamdaman sa Abril at Mayo at sa pag­taya ng PAGASA, posib­leng umabot sa 40 degree centigrade ang tem­peratura. 

Sa panayam kay Na­thaniel Cruz, head ng weather branch ng PAG­ASA, pumasok na sa bansa ang hangin mula sa silangan o hanging sila­­nganin na mula sa Philippine Sea kaya ina­asa­hang aabutin ng 40 centigrade ang tempe­ratura sa Region 2 parti­kular sa Caga­yan valley dahil mas ma­init na lugar ito sa bansa, saman­talang sa Metro Manila ay aabutin ng mula 36-38 degree centigrade.

“Kapag naging 36 hanggang 38 centigrade ang temperatura sa Metro Manila, mararam­daman ng mga tao ay parang 40 centigrade ang init at sa Cagayan valley naman sa region 2 kapag umabot na sa 40 centigrade ang temperatura ang pakiramdam ng mga tao ay 43 centigrade,” pahayag ni Cruz.

Sinabi ni Cruz na nagi­ging ganito ang panahon sa bansa dahil sa epekto ng relative humidity o ang amount ng water vapor sa atmosphere.

“Dito sa atin sa Pili­pinas, madaming water vafor sa atmosphere kaya ang tao kapag pina­wisan hindi agad natu­tuyo ang pawis at ma­lagkit yan ay dahil sa epekto ng relative humi­dity.. dun naman sa Saudi Arabia, mababa ang water vapor kaya pag pina­wisan ang mga tao dun ay tuyo agad ang pawis,” paliwanag pa ni Cruz

Gayunman, sinabi ni Cruz na bagamat summer at mainit ang pana­hon sa Abril at Mayo, may­roon pa ring mara­ranasang paminsan-min­sang pag-ulan dahil na­man sa epekto ng La Nina phenomenon. 

Kaugnay nito, pinayu­han ni Cruz ang publiko na huwag masyadong mag­ babad sa init dahil baka hindi makayanan at ma­hilo, uminom ng mas ma­raming tubig, magsuot ng maluluwang at pres­kong damit at magpa­yong o mag­­ lagay ng anu­mang pananggalang sa kata­wan para hindi direk­tahang mainitan. (Angie dela Cruz)

ABRIL

CENTIGRADE

CRUZ

LA NINA

METRO MANILA

PHILIPPINE SEA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with