127 PNPA grads isasabak vs NPA
Isasabak ng Philippine National Police (PNP) ang may 127 bagong graduates sa PNP Academy (PNPA) sa mga kanayunan para gawing ‘battle test’ sa mga ito ang pakikipaglaban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bansa.
Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr., ang 127 graduates ay ipapadala sa iba-ibang Regional Mobile Group (RMG) na sumasabak sa counter-insurgency operations.
Ang 27 na hindi sasapi sa PNP ay mapupunta naman sa Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Fire Protection.
Umabot sa 154 ang magsisipagtapos sa PNPA na gaganapin sa
Ang PNPA Class 2008 ay kilala sa tawag na “Oman-Silang,” isang katagang Muslim na ang ibig sabihin ay “bagong henerasyon ng mga mandirigma.”
Hinikayat ni Razon ang mga nagtapos na maging maka-Diyos, makatao, makabayan, at tapat sa Saligang Batas at panatilihin ang pagiging ‘apolitical’ o huwag makikisawsaw sa gusot sa pulitika.
Ang valedictorian ngayong taon sa PNPA ay si Cdt. Clent Vent Inciso, ng
Kabilang naman sa mga nagtapos ay anak ng mga pulis, gaya ni Ronald Estilles Jr., Class President at anak ni Sr. Supt. Ronald Estilles Sr., hepe ng Parañaque City Police, at ang kambal na sina Danilo at Daniel Yema, 25, anak ni SPO3 Danilo Yema Sr. ng LIpa City, Batangas. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending