Blackout sa Domestic airport

Libu-libong pasahero ang na-stranded sa mga paliparan sa bansa mata­pos  kanselahin ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang may 30 domestic flights nang bumi­gay ang main circuit break­er sa Old Manila Domestic Airport sanhi ng power failure kahapon. 

Ayon kay Engineer Octavio “Ding” Lina,  MIAA asst. general manager for ope­ rations, nitong Biyernes Santo pa lamang ay suma­bog at nasira ang 2,000 watts circuit breaker sa Domestic airport sanhi ng pagkawala ng kuryente ng 10 oras. Agad namang ini­ayos at pinalitan ang nasi­rang circuit breaker ng bagong 2,500 watts nitong Sabado. Gayunman, kaha­pon ay tuluyan na itong bu­mi­gay. 

Naging mano-mano na rin ang ginagawang pag­check-in ng mga pasa­ hero. 

Ipinaliwanag ni Lina na teknikal ang kanilang na­ ging problema at walang kinalaman dito ang usapin pagdating sa seguridad sa loob ng paliparan. 

Dahil dito, 19 incoming at outgoing flights ng Cebu Pacific habang 6 sa Asian Spirit papunta sa iba’t ibang rehiyon sa bansa at 5 na­man na patungong Manila ang naantala. (Ellen Fernando)

Show comments