Blackout sa Domestic airport
Libu-libong pasahero ang na-stranded sa mga paliparan sa bansa matapos kanselahin ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang may 30 domestic flights nang bumigay ang main circuit breaker sa Old Manila Domestic Airport sanhi ng power failure kahapon.
Ayon kay Engineer Octavio “Ding” Lina, MIAA asst. general manager for ope rations, nitong Biyernes Santo pa lamang ay sumabog at nasira ang 2,000 watts circuit breaker sa Domestic airport sanhi ng pagkawala ng kuryente ng 10 oras. Agad namang iniayos at pinalitan ang nasirang circuit breaker ng bagong 2,500 watts nitong Sabado. Gayunman, kahapon ay tuluyan na itong bumigay.
Naging mano-mano na rin ang ginagawang pagcheck-in ng mga pasa hero.
Ipinaliwanag ni Lina na teknikal ang kanilang na ging problema at walang kinalaman dito ang usapin pagdating sa seguridad sa loob ng paliparan.
Dahil dito, 19 incoming at outgoing flights ng Cebu Pacific habang 6 sa Asian Spirit papunta sa iba’t ibang rehiyon sa bansa at 5 naman na patungong
- Latest
- Trending