^

Bansa

Cayetano ‘bokya’ sa Senado

-

Mula nang mahalal na senador si Allan Peter Ca­yetano ay wala pa umano itong ginawang panuka­lang batas sa kabila ng napakahabang oras na inuubos niya sa mga im­bestigasyon ng Blue Ribbon Committee na kan­yang pinamumu­nuan.

Batay sa dokumen­tong nakalap sa pinaka­bagong update ng Legislative Bills and Index Service ng Senado, nabatid na kahit isang resoluyon ay wala ring isinulat si Cayetano bilang pangu­nahing author o may-akda.

Sa kabuuang 2,121 panukalang batas at 260 resolusyon na inihain ng mga senador mula noong Hulyo 23 2007 hanggang Marso ng taong kasalu­kuyan, nakisawsaw la­mang si Cayetano bilang co-author sa dalawang bills at tatlong resolutions.

Kahit isang porsyento ng kabuuang bilang ng mga naihaing panukalang batas at resolusyon ng mge senador ay walang naihain si Cayetano at maliban sa pagsasagawa ng imbestigasyon ay wala siyang nagawa bilang mambabatas na ang pangunahing tungkulin ay bumalangkas ng batas.

Nangunguna sa pina­ka­masisipag na Senador sina Miriam Defensor San­tiago, na mayroong 454 bills at 47 resolutions at Jinggoy Estrada na may­roong 453 bills at 13 resolutions at pumapangatlo naman si Senate President Manuel Villar, Jr. na may bilang 259 bills at 40 Senate resolutions.

Tinalo pa nga ng tahi­mik na si Sen. Manuel “Lito” Lapid si Cayetano na nakapaghain ng 61 panu­kalang batas na siya ang pangunahing may akda.

ALLAN PETER CA

BATAY

BLUE RIBBON COMMITTEE

CAYETANO

JINGGOY ESTRADA

LEGISLATIVE BILLS AND INDEX SERVICE

MIRIAM DEFENSOR SAN

SENATE PRESIDENT MANUEL VILLAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with