Ador nagpasaklolo sa DOJ

Sumulpot kahapon sa Department of Justice ang kontrobersyal na testigo ng Senado na si Ador Mawanay upang humingi ng pro­teksyon dahil meron umano siyang death threat.

Ayon kay Justice Secretary Raul Gonza­lez, humingi ng protek­syon si Mawanay dahil sa mga natatanggap na pagbabanta sa bu­hay nito .

Bukod dito, humingi rin siya sa Kalihim ng tu­long pinansiyal para sa kanyang mga pa­nga­ngailangan habang nasa pangangalaga ng DOJ.

Inamin naman ni Gonzalez na nagdada­lawang isip siya kung paniniwalaan ang mga sinasabi ni Mawanay dahil na rin umano sa nasirang kredibilidad nito mula nang magpa­bago-bago ito noon ng kanyang  testimonya sa Senado. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments