Pangkalahatang payapa ang naging pagtataya ng Philippine National Police sa paggunita sa Mahal na Araw ng mga Pilipino matapos na walang maganap na malaking insidente ng terorismo.
Pinasalamatan rin ni PNP chief, Director General Avelino Razon Jr. ang publiko lalo na sa mga biyahero at mga bakasyunista sa pakikiisa sa Oplan Bantay Lakbay ng pulisya.
“Naging very peaceful, orderly, walang untoward incident sa pagselebra ng Semana Santa dahil sa pagpursigi ng ating kapulisan at ng ating mamamayan,” saad ni Razon.
Tiniyak naman ng heneral na mananatili ang police visibility hanggang sa Hunyo o sa pagbubukas ng klase upang magtuluy-tuloy ang magandang seguridad ngayon ng bansa.
Ilan sa mga naitala lamang ng pulisya ang inaasahan nang mga aksidente sa beach resorts, aksidente sa kalsada na sinasabing bumaba ang bilang ngayon, at ilang kaso ng pandurukot sa mga bus terminals. (Danilo Garcia)