‘Ingay sa pulitika hihina’ — Palasyo

Kumpiyansa si Pa­ngulong Gloria Arroyo  na hihina na ang kam­panya ng mga nais mag­pa­talsik sa kanya sa Ma­lacañang pagka­tapos  ng Semana San­ta.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Er­mi­ta, naniniwala ang Pa­ngulo na mas magi­ging matatag ang sit­wasyon ng pulitika sa bansa sa mga susunod na araw at posibleng hindi na ma­sun­dan ang mga nakara­ang rally.

Sinabi pa ni Ermita na nakatakdang mag­tungo sa Hong Kong si Pangu­long Arroyo pagkatapos ng Mahal na Araw.

Nag-ugat ang mga rally na nananawagan para sa katotohanan nang lumutang sa Se­nado si Jun Lozada, ang testigo sa $329.48 milyong na­tional broad­band network-ZTE pro­ject.

Nakinabang umano sa nasabing hindi na­tu-loy na proyekto sina Pa­ngulong Arroyo at asawa nitong si First Gentle-man Mike Arroyo at ma­ging si dating Commis­sion on Elec­tion Chair­man Benja­­min Abalos Sr.

Kumpiyansa si Er­mita na pagkatapos ng Ma­hal na Araw, mana­naig pa rin sa puso ng mga Fili­pi-no ang tradisyon ng pag­kakasundo at pag­ka­kaisa.

Magugunitang sa kan­­yang Easter mes­sage, hinikayat ng Pa­ngulo ang mga Filipino na mag­da­sal at isa­buhay ang aral ng Easter upang mag­kai­sa na ang lahat para sa “Pagbangon ng Pili­pinas na mas malakas sa eko­nomiya, pulitika at mora­lidad.” (Malou Escudero)

Show comments