‘Ingay sa pulitika hihina’ — Palasyo
Kumpiyansa si Pangulong Gloria Arroyo na hihina na ang kampanya ng mga nais magpatalsik sa kanya sa Malacañang pagkatapos ng Semana Santa.
Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, naniniwala ang Pangulo na mas magiging matatag ang sitwasyon ng pulitika sa bansa sa mga susunod na araw at posibleng hindi na masundan ang mga nakaraang rally.
Sinabi pa ni Ermita na nakatakdang magtungo sa
Nag-ugat ang mga rally na nananawagan para sa katotohanan nang lumutang sa Senado si Jun Lozada, ang testigo sa $329.48 milyong national broadband network-ZTE project.
Nakinabang umano sa nasabing hindi natu-loy na proyekto sina Pangulong Arroyo at asawa nitong si First Gentle-man Mike Arroyo at maging si dating Commission on Election Chairman Benjamin Abalos Sr.
Kumpiyansa si Ermita na pagkatapos ng Mahal na Araw, mananaig pa rin sa puso ng mga Filipi-no ang tradisyon ng pagkakasundo at pagkakaisa.
Magugunitang sa kanyang Easter message, hinikayat ng Pangulo ang mga Filipino na magdasal at isabuhay ang aral ng Easter upang magkaisa na ang lahat para sa “Pagbangon ng Pilipinas na mas malakas sa ekonomiya, pulitika at moralidad.” (Malou Escudero)
- Latest
- Trending