Isang 33-anyos na Pilipina at isa niyang anak na pitong-buwang gulang na sanggol ang pinatay ng kanyang asawang Hapones sa Japan nitong nakaraang Martes.
Kahapon lang naipahayag ni Depart-ment of Foreign Affairs Spokesman Claro Cristobal ang insidente makaraang matanggap nito ang naantalang ulat ng Philippine consul general sa Tokyo na si Sulpicio Confiado.
Sinasabi sa isang ulat na ayon sa pahayag ni Cristobal, sumuko sa pulisya ng Japan ang suspek na si Masayoshi Nagano, 43, driver ng Seibu Bus Co., at nagtapat na pinatay nito ang sarili nitong asawa at anak nitong nakaraang Linggo.
“Inamin niya (Masayoshi) na pinatay niya ang kanyang asawa at anak dahil nababahala siya sa malaki niyang utang at tinangka rin niyang magpakamatay pero hindi niya magawa,” sabi ni Cristobal.
Iniimbestigahan pa ng Japanese Police ang krimen. Nakatakda ring iawtopsiya ang bangkay ng mag-ina na ang mga pangalan ay hindi binanggit sa ulat.