^

Bansa

Ingat sa tetano

-

Kasabay ng paggu­nita ng Semana Santa, nag­ba­bala ang Department of Health (DOH) laban sa impeksyon at tetano na maaaring ma­kuha sa pa­mamagitan ng pagpapa­pako at pagpe­pe­nitensya.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III dapat masusing inspek­syunin ng mga nama­ma­nata nang paglalatigo sa sarili at pagpapapako sa krus ang gagamitin nilang panghampas bago isa­gawa ang penitensya.

Ani Duque, maaaring magbunga ng tetanus infection ang maruming latigo at ang makalawang na pako na gagamitin.

Aniya, ang paglalatigo at pagpapapako sa krus ay nagbubunga ng mala­lalim na sugat at dahil matagal na panahon ito na naka-expose ay ma­laki ang po­sibilidad na magka-impek­syon ang mga ito.

Tinatayang aabot sa dalawa hanggang 14 na araw bago maramdaman ang sintomas sa sanda­ling makakuha ng impek­syon at maaari itong ma­lunasan sa pamamagitan nang pagbabakuna at pag-inom ng prophylaxis.

Kabilang sa mga sin­tomas ng infection na ma­ra­ramdaman matapos ang dalawa hanggang 14 araw ay ang paninigas ng pa­nga, hirap na paglulon at pa­ninigas ng mga ka­lam­nan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nilinaw naman ni Du­que na hindi nila tinata­liwas ang matagal ng tradisyon ng mga Pilipino sa tuwing Mahal na Araw subalit hindi rin dapat kalimutan na ingatan at protektahan ang sarili sa masamang epekto ng pag­pe­peni­tensya.

Kasabay nito, pinayu­han din ni Duque ang mga magsasagawa ng Visita Iglesia at Via Cru­cis na tiyaking may sapat silang inuming tubig.

Ayon kay Duque, ito ay upang makaiwas sa pag­ka­karoon ng dehydration ma­tapos ang maha­bang pa­mamanata. (Doris Franche)

ANI DUQUE

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

DUQUE

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with