^

Bansa

Doble pinaaaresto ng QC court

-

Nagpalabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) laban sa dating Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) agent na si Vidal Doble Jr. dahil sa kaso nitong bigamya.

Sa isang pahinang warrant of arrest order ni QCRTC Presiding Judge Rosa Samson Tatad Branch 105, ipinapa­aresto nito si Doble ma­tapos sam­ pahan ng ka­song bigamya ng asawa nito na si Arlene Sernal Doble na nagsabing legal at umiiral pa ang ka­nilang kasal ng una ng mu­ling magpakasal ito.

Sa reklamo ni Arlene, sinabi nito na nananatiling legal pa ang kanilang kasal ni Doble na may anak silang dalawa at ikinasal nitong nakalipas na Abril 27, 1991 sa Ki­dapawan, Cotabato City.

At nito ngang Set­yem­bre 2007 nang maka­tang­gap ng impormasyon ang complainant na iki­nasal si Doble sa isang Jocelyn Andaya at nang beripikahin niya ito iki­nasal nga ang dalawa sa Quezon City nitong naka­lipas na Dis­yem­bre 8, 2000.

Naglaan naman ang kor­­te ng piyansang P24,000 para sa pansa­mantalang ikalalaya ni Doble.

Nakilala si Doble mata­pos isiwalat nito ang kan­yang nalalaman sa wiretapping operation nitong 2004 presidential election na “Hello Garci” tapes na nag­lalaman ng conversation nina President Arroyo at dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.

Kapwa naman itinang­gi nina Pangulong Arroyo at Garcillano ang kanilang pagkakasangkot sa uma­no’y dayaan. (Angie dela Cruz)

ARLENE SERNAL DOBLE

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

DOBLE

HELLO GARCI

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

JOCELYN ANDAYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with