^

Bansa

Ex-AMWSLAI trustees ipinapaaresto

-

Nagpalabas ng warrant of arrest si Pasig City Judge Franco Falcon ng Regional Trial Court Branch 71 laban sa da­lawang dating trustees ng Air Material Wing Savings and Loan Association Inc. (AMWSLAI) na sina retired PNP Col. Luvin Manay, PAF Lt. Col. Antonio Man­tuano at PAF Major Wilfredo dela Cruz.

Ang warrant ay batay sa reklamong libel ng AMWSLAI trustees na sina Col. Rolando Cacabelos, 2Lt. Cedric Reyes at Capt. Odelon Mendoza, na pa­wang mga retiradong opis­yal ng Phil. Air Force.

Nauna rito, inireko­menda ni Pasig Prosecutor 1 Rey Camilo Dumlao II ang pagsasampa ng tatlong bilang ng kasong libel.

Nag-ugat ang kaso sa isang kontrobersiyal na liham na may petsang Okt. 10, 2007 na ginawa umano ni Manay, sa pakikipag­sabwatan daw kina Man­tuano at dela Cruz, na nailathala at ipinadala sa pangulo ng isang commercial bank sa Pasig City.

Ayon sa prosecution, layunin ng liham na iligaw ang nasabing bangko at ang publiko na base sa desisyon ng Korte Supre­ma, na may petsang Okt. 9, 2007, ang mga nagrek­lamo ay hindi na trustees ng AMWSLAI.

Ang nasabing desisyon aniya, ay hindi pa pinal na dahilan sa napapanahong pagsasampa ng motion for reconsideration ng mga nagreklamo sa Korte Su­prema.

AIR FORCE

AIR MATERIAL WING SAVINGS AND LOAN ASSOCIATION INC

ANTONIO MAN

CEDRIC REYES

CRUZ

KORTE SU

KORTE SUPRE

LUVIN MANAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with