^

Bansa

Tulong ng media vs droga hiningi ng PDEA

-

Hinikayat  ni  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Dionisio Santiago Jr. ang mga mi­ yembro ng media na may impormasyon sa operasyon ng iligal na droga na umanib sa pro­grama nilang “Private Eye” upang tuluyang ma­lansag ang naturang kan­ser ng bansa.

Sinabi ni Santiago na ang media ang numero unong “James Bond” o special agent na nakaka­alam ng maraming im­pormasyon sa galaw ng mga sindikato na hindi nalalaman maging ng kanilang pinakamaga­galing na intelligence agent.

Marami na umanong kaso na nalansag nilang laboratoryo at nadakip na mga indibidwal na sang­kot sa iligal na droga ang nagbuhat sa pakikipagtu­lungan ng mga miyembro ng media.

Bukod sa monetary reward, nangako naman si Santiago na itatago ang pagkakakilanlan at mag­bibigay ng seguridad sa mga mediamen o priba­dong indibidwal na nais umanib sa Private Eye.

Umaabot sa P4.8 mil­yong halaga ng reward money ang pinakahuling ipinamigay ng PDEA sa pitong impormante nito kamakalawa.

Tumanggap ng P1.9 milyon ang impormanteng si “Magdangal” dahil sa pagkakalansag ng shabu lab sa Parañaque City; P1.5 milyon kay “Ato”; P243, 300 kay “AB”; P130,500 kay “Alvaro”; P69,200 kay “Magdangal” at P17,100 kay “Kikiam”.

Dahil sa naturang mga impormante, nagresulta ito sa pagkakadiskubre ng dalawang shabu lab, limang chemical warehouses, pagkakadakip ng 20 katao kabilang ang apat na Chinese nationals at pagkaka­kumpiska ng 2,639 kilo ng ephedrine at 349 kilo ng shabu. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY DIONISIO SANTIAGO JR.

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

PRIVATE EYE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with