^

Bansa

Convicted killer ni Ninoy namatay

-

Binawian na ng buhay matapos atakihin sa puso ang isa sa mga nahatulan sa kasong pagpaslang kay dating Senador Be­nigno “Ninoy” Aquino Jr. at Rolando Galman noong 1983.

Kinumpirma kahapon ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rue­da- Acosta ang pagkama­tay ni Sgt. Mario Lazaga, dakong alas 7:15 ng umaga sa loob ng infirmary ng New Bilibid Pri­son (NBP). Si Lazaga ay kasama sa 12 pang iba na naha­tulan sa Aquino-Galman double murder case at kasalukuyang nakabinbin pa sa Board of Pardon and Parole ang apela nito para sa executive clemency.

Noong Nobyembre ay binigyan ng pardon ni Pangulong Arroyo ang isa pang nahatulan na si M/Sgt. Pablo Martinez mata­pos umabot ito sa edad na 70.

Dalawa pang kasa­mang sundalo ni Lazaga ang nasawi bago pa na­kalabas ng kulungan noon si Martinez. Dahilan dito kaya umaasa pa rin si Acosta na ang natitira pang 12 sundalo sa kulungan na mayroong malalang sakit ay kaagad na mapalaya sa bisa na rin ng executive clemency. (Gemma Amargo-Garcia/Lordeth Bonilla)

ACOSTA

AQUINO JR.

BOARD OF PARDON AND PAROLE

CHIEF PERSIDA RUE

GEMMA AMARGO-GARCIA

LORDETH BONILLA

MARIO LAZAGA

NEW BILIBID PRI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with