^

Bansa

Lacson payag sa ‘lie test’

-

Tinanggap kahapon ni Senador Panfilo Lacson ang hamon ng Malaca­ñang na suma­ilalim siya sa ‘lie detector test’ pati na ang lahat na testigong hawak nito, kasama sina Joey de Venecia III, Rodolfo Noel ‘Jun’ Lo­zada, Dante Madriaga at Leo San Miguel, upang ma­laman kung sino sa mga ito ang nagsasabi ng totoo o hindi.

Pero ayon kay Lac­son, sasalang lang siya sa lie test sa kon­disyon na i-lie test din sina Pa­ngu­long Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo.

Ayon kay Lacson, kung pagbabatayan ang mga nangyayari nga­yon, mas maraming dapat ipaliwanag ang mag-asawang Arroyo kaugnay sa malawa­kang korap­siyon sa bansa, lalo na ang pi­nag-uusapang over­pricing o bukulan at tong­pats sa $329 million ZTE-NBN broadband deal.

Pero hindi umano ‘admissable’ bilang ebiden­siya ang magi­ging resulta ng lie detector test, pero dahil payag naman ang grupo nina Lozada, ga­yun­din din siya, pabor din siyang ipagawa ito sa ‘abroad.

Bagaman at naka­handa sa lie detector test, sinabi ni Lacson na hindi dapat gawin sa PNP Crime Lab ang ‘polygraph test’ kundi sa isang independent body.

“Sabagay wala na si (ret. Gen. Restituto) Mosqueda pero kung dito rin sa loob ng bansa pu­wede rin maimplu­wen­syahan ng Malaca­ñang kung NBI o PNP kasi experience na natin yon sa signature ni Mike Arroyo, na inako ni Iggy Arroyo,” sabi pa ni Lacson. (Malou Escudero)

vuukle comment

CRIME LAB

DANTE MADRIAGA

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

IGGY ARROYO

LACSON

LEO SAN MIGUEL

MALACA

MALOU ESCUDERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with