Lozada kinasuhan sa Ombudsman
Sinampahan ng kasong katiwalian sa Ombudsman ng grupong “Babae Ka” si ZTE witness Rodolfo “Jun” Lozada.
Ayon sa grupo, nag-aastang martir sa kanyang kasalanan si Lozada na kung ituring ay bayani, gayong kung bubusisiin umano ang kanyang panunungkulan sa Philippine Forest Corp. ay balot ito ng anomalya noong ito pa ang pangulo ng PFC.
Pitong kaso umano ng anomalya at iregularidad ang sinasabing dawit si Lozada, kabilang rito ang pamamahagi umano niya ng mahigit 40 ektarya ng lupa sa kanyang mga kaanak, paggamit ng pera ng PFC para bumili ng insurance kung saan asawa pa niya ang ahente at nepotism matapos umanong ilagay sa posisyon ang kanyang kapatid.
Giit ng grupo, nirerespeto nila ang kapwa nila babae at mga madre na sumusuporta kay Lozada, subalit hindi anya nila hahayaang may masaktan o mamamatay sa kalye dahil sa mga kilos-protesta bun sod ng ipinaglalaban ni Lozada sa isyu sa ZTE.
Sayang lamang umano ang pag-idolo at pagpunta sa mga lansangan ng mga tao na nakikisimpatiya kay Lozada dahil maging ito ay may kasalanan din sa bayan. (Angie dela Cruz/Butch Quejada)
- Latest
- Trending