Pinas binigyan ng multi-million $ grant ng US
Napili ang Pilipinas ng Millenium Challenge Corporation (MCC) ng Estados Unidos para bigyan ng multi-milyong dolyares na grant para sa pagsugpo sa katiwalian at kahirapan sa bansa.
“Congratulations to the Government of the
Sa ulat ng Philippine Team sa Washington, USA kaugnay sa sitwasyon ng korapsyon sa Pilipinas sa loob ng dalawang taon, ipinagmalaki ng Office of the Ombudsman ang 57% conviction rate at pagpapakulong sa 1,200 opisyal ng pamahalaan sa taong 2007. Pinarusahan naman ng Civil Service Commission ang mga opisyal na sangkot sa 264 kaso mula taong 2004-07; narekober ng Philippine Commission on Good Government (PCGG) ang $854 Marcos Swiss deposits kung saan higit sa $1.4 bilyon ang nai-remit na sa pamahalaan ng Pilipinas.
Umaabot naman sa $13.46 milyon ang nai-freeze ng AMLC at nakumpiska ang $439,024 ari-arian dahil sa korapsyon, nasa $13.4 milyong ari-arian ang nakumpiska ng Sandiganbayan habang ang Commission on Audit ay tumanggi sa $91.27 milyong halaga ng transaksyon.
Sinuspinde ang bayaring aabot sa $539.02 milyon at nagsampa ng kaso sa mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa iligal na transaksyon na may halagang $2.88 milyon.
Samantala, ikinatuwa ni Pangulong Arroyo ang pagkakapili ng MCC sa Pilipinas bilang eligible sa large-scale grant kung saan ay napansin ang anti-corruption program ng pamahalaan sa kabila ng ingay-pulitika na likha ng kanyang mga detractors. (Danilo Garcia/Rudy Andal)
- Latest
- Trending