^

Bansa

AFP di kayang sumabak sa giyera vs Spratly Island

-

Inamin kahapon ni Navy Deputy Commander Rear Admiral Amable Tolentino na walang kapabilidad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na sumabak sa giyera laban sa mga bansang nag-aagawan sa Spratly Islands sa South China Sea kaya diplomasya ang dapat na pairalin.

“My view is diplomacy is better than going to war. Let us admit it, let’s be realistic. We can’t match the [military] capability of other countries,” sabi ni Tolentino sa turnover ceremony kahapon sa dalawang patrol gunboat sa Philippine Navy.

Ayon kay Tolentino, hangga’t maaari ay iniiwasan ng mga bansang nag-aagawan sa pag-aangkin sa Spratly Islands ang giyera dahil hindi makabubuti ang epekto nito.  

Ang Spratly Island na sinasabing mayaman sa depositong mineral at yamang dagat ay pinag-aagawan ng mga bansang Brunei, Pilipinas, Taiwan, Vietnam, Malaysia kung saan pinakamapangahas ang China.

Sa kasalukuyan ay may 60 tauhan ang AFP na nagbabantay sa Spratlys Islands, 30 sa mga ito ay nakahimpil sa Pagasa Island, ang tanging isla na naokupa ng Pilipinas sa lugar.

Takdang imbestigahan ng Kongreso kung isinuko na nga ng Pilipinas ang Spratly sa China kapalit ng pautang. (Joy Cantos/Butch Quejada)

ANG SPRATLY ISLAND

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BUTCH QUEJADA

COUNTRY

JOY CANTOS

PILIPINAS

PLACE

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with