Imelda lusot sa dollar salting
Matapos ang 17 taong pagdinig sa kaso, inabsuwelto ng Manila Regional Trial Court si dating Unang Ginang Imelda Marcos sa 32 counts ng dollar salting sa kabila ng pagkakaroon niya ng dollar accounts na nag-uugnay sa Marcos foundation sa Switzerland.
Ayon kay Manila RTC Judge Silvino Pampilo ng Branch 26, nabigo ang prosecution na patunayan ang pagkakaroon ng dolyar sa accounts ng mga Marcos na sinasabing may kaugnayan sa Marcos foundations.
Sinabi ni Pampilo na ang mga testigo ng tagausig ay hindi awtorisadong humarap sa korte upang patunayan ang mga dokumentong isinumite sa korte. Gayundin ang mga ebidensiya sa dollar accounts sa Marcos foundations ay hindi maaaring gamiting ebidensiya.
Nabatid pa kay Pampilo na nabigo din ang prosecution na patunayan na mayroong kutsabahang nangyari sa pagkakaroon ng dolyar ng mga Marcos.
Tiwala naman si Gng. Marcos na madismis din ang iba pang kasong nakasampa laban sa kanyang pamilya. Nabatid na umaabot sa 901 ang kasong kinakaharap ng pamilya Marcos. (Doris Franche)
- Latest
- Trending