Sa Calamba: Tubig marumi kaya kumalat ang tipus

Kinumpirma ng Department of Health na konta­minadong tubig ang sanhi ng  paglaganap ng sakit na tipus o typhoid fever outbreak  sa may 2,000 residente ng Calamba City sa Laguna.

Ayon kay Health Secretary Francisco  Duque III,  lumilitaw na ang supply ng tubig ng Calamba Water District  ay napatunayang  positibo sa bacteria na  ti­ na­tawag na salmonella typhi batay na rin sa isi­nagawang microbiological tests  ng epidemiology experts.

Nabatid kay Duque  na nakita din sa pagsusuri  na ang water supply ay wa­lang sapat na chlorine na naging sanhi ng outbreak.

Idiniin pa ni Duque na nagsasagawa pa rin ng dis­in­fection at pagsusuri sa  suplay ng tubig ang DOH  upang malaman kung saang bahagi ng water pipes ku­malat ang bacteria. Una nang  lumabas sa report na ang bacteria  ay nakita sa Bucal pumping station sa Calamba.

Subalit ayon naman kay Dr. Dennis Labro ng  Calamba City health office,  hindi naman ispesipikong tinukoy ang pinagmulan ng kontaminadong tubig. (Doris Franche)

Show comments