^

Bansa

Prostitusyon panukala na gawin nang legal

-

Isang panukalang batas ang isinusulong ngayon sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso na naglalayong amiyendahan ang article 341 ng Revised Penal Code upang matanggal na ang criminal liability ng mga taong  nagiging biktima ng prostitusyon.

Sa Senate Bill 2006 na inihain ni Sen. Francis “Chiz” Escudero, ipinaliwanag nito na dapat ikonsidera na biktima ng sitwasyon ang mga nasasadlak sa prostitusyon at hindi mga kriminal.

Hindi na aniya napapanahon ang batas kaug­nay sa prostitusyon kung saan ikinokonsi­derang criminal ang mga kababaihang nasasadlak sa prostitusyon.

Kabilang ang prostitusyon sa mga probisyon ng anti-vagrancy law at dahil mahirap patunayan ang kasong prostitusyon kaya kalimi­tang vagrancy charges ang ikinakaso sa mga nahuhuli.

Hindi aniya dapat hulihin ng pulis ang mga walang trabaho na nahuli lamang nakatayo sa isang kanto at pinaniniwalaang sangkot sa pros­titusyon dahil bigo ang gobyerno na maka­pagbigay ng trabaho lalo na sa mga mahihirap.

“Huhulihin ka ng pulis pag wala kang trabaho. Aba’y teka muna ginagawa ba ng pamahalaan ang kanyang trabaho na mag­bigay ng trabaho sa kanyang mga  kababa­yan?” ani Escudero.

Sa panukala ni Escudero, ang maaari lamang managot ay ang mga bugaw at ang mga customer kung saan ipapataw ang parusang “reclusion temporal.” (Malou Escudero)

CHIZ

HUHULIHIN

MALOU ESCUDERO

REVISED PENAL CODE

SA SENATE BILL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with