Mahigit tatlong milyong estudyante sa elementarya, high school at kolehiyo ang magtatapos ngayong Marso, ayon sa pinagsamang ulat ng Department of Education at Commission on Higher Education.
Base sa datos ng DepEd, aabot sa 1.7 milyong estudyante sa public elementary school ang gagradweyt habang 140,000 naman ang nasa pribadong paaralan. Sa high school naman ay aabot sa isang milyon ang nasa public school habang 300,000 naman ang nasa pribado.
May 441,186 estudyante naman ang magtatapos sa kolehiyo kabilang ang baccalaureate na may 366,151; pre baccalaureate na may 56,612; post baccalaureate 2,201; masteral degree na may 14,705 at 1,517 naman sa doctorals degree.
Pinakamalaking bulto sa mga estudyanteng magtatapos sa kolehiyo ang nasa nursing. Pangalawa ang sa medicine at pangatlo ang business course. (Edwin Balasa)