Milyones kinita ng ISAFP sa wiretapping
Kumikita umano ng multi-milyong piso ang ilang tauhan at opisyal ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) tuwing halalan sa pagbebenta ng wiretapped information sa ilang pulitiko.
Ito ang ibinunyag kahapon ni Vidal Doble, dating ahente ng ISAFP na tu mestigo sa Hello Garci scandal, sa ginanap na press conference kahapon matapos itatag ang Whistle Blowers Association (WBA).
Sinabi ni Doble, isang
“Multi-milyon ang kinita ng grupo ni Col. Capuyan sa mga wiretapped materials nitong 2007 elections,” giit ni Doble.
Ayon pa kay Doble, tanging ang grupo ni Capuyan, ang MIG 21 ang siyang may kapabilidad na mag-wiretap ng cellphone sa sinumang pulitiko o indibiduwal na puwedeng kunan ng mahahalagang impormasyon.
Si Capuyan umano ang hepe ng Operations and Intelligence Division ng ISAFP na hinihinalang sentro ng wiretapping activities ng militar sa ilang pulitiko at kalaban ng administrasyon.
Iginiit pa ni Doble na nakumpirma ang naturang bentahan ng wiretapped information o materials sa isang privileged speech o pahayag ni Rep. Dumpit sa Kamara noong nakaraang taon.
“Milyunan ang presyo dito na siyang na-confirm ni Rep. Dumpit noong nakaraang taon. Siguro noong ikatlong yugto ng 2007. Kung papakinabangan ang impormasyon, maaari itong maibenta ito sa kalaban ng partikular na pulitiko,” ani Doble.
Sinabi ni Doble na makatotohanan ang mga sinasabi ni Engr. Rodolfo Noel Lozada Jr., na naka-wiretapped ang kanyang cellphone ng MIG 21. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending