Kontrata ng Southrail nawawala?
Dahil sa hinalang nawawala rin ang kopya ng kontrata ng $932 milyon Southrail project katulad ng nangyari bago sumambulat ang $329 million anomalya naman sa ZTE-NBN broadband deal na napaulat na nawala rin ang kontrata, isang resolusyon ang inahain ni Sen. Jamby Madrigal na mag-oobliga sa Philippine National Railways (PNR) na ilabas ang kontrata.
Kinastigo ni Sen. Jamby Madrigal ang general manager ng PNR dahil sa patuloy nitong pagtanggi na ibigay sa Senado ang kopya ng Memorandum of Agreement (MoA) sa pagitan ng kanilang tanggapan at ng China National Technical Import-Export Cooperation (CNTIC) para sa konstruksiyon ng Southrail project.
Sa Senate Resolution No. 316 ni Madrigal, ipinapakastigo nito si PNR general manager Jose Ma. Sarasola II dahil sa pagsasabing wala umano silang hawak na kopya ng MoA ng PNR at CNTIC.
Nais din nina Sens. Panfilo Lacson, Mar Roxas at Rodolfo Biazon na isalang din sa Senate investigation ang Southrail project anomalies dahil ayon na rin kay Jun’Lozada, aabot sa $70 hanggang $90 million ang ‘bukol’ o overpriced ng pamahalaan sa naturang anomalya.
Kabilang sa mga sinasabing kontratista ng kontrata sina Anthony Huang at isang alyas Mallari na umano’y nag-ala-Chairman Benjamin Abalos para i-overprice ang proyekto sa Southrail.
Magugunitang bago pumutok ang kontrobersiya sa ZTE, naunang napaulat na nawala muna ang kontrata nito sa isang hotel sa bansang
Sa resolusyon ni Madrigal, hinihiling nito sa Senado na obligahin si Sarasola para ilabas ang naturang kontrata upang mabusisi na nang husto ang kinapapaloobang anomalya sa Southrail project.
Nakabitin pa rin sa kasalukuyan ang imbestigasyon ng Southrail project, ngunit pangako ng grupo ni Lacson, ilalantad nila sa publiko kung sinu-sino ang mga nakinabang dito, particular na ang partisipasyon nina Huang at Mallari. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending