8 tauhan ng QC hall kinasuhan ng graft
Kinasuhan ng kasong katiwalian sa tanggapan ng Ombudsman ang walong tauhan ng Quezon City hall treasurers Office matapos umanong makipagkutsabahan ang mga ito sa dalawa katao hinggil sa pamemeke ng dokumento, pangongotong at paglabag sa Anti-Graft and corrupt practices Act (RA 3019).
Inireklamo ng isang Robert Figueroa, may asawa ng 38-B Quezon st. Amihan 1 Bacoor, Cavite, ang walong tauhan ng QC Treasurers Office sina Gloria Perez, Jennifer Silvestre, Primo dela Paz, Frederick Dona, Marcelo Bayobay, Arvin Gotladera, Ernestina Lorredo at Atty. Voltaire Enriquez gayundin ang dalawang iba pa na sina Cesar Perez at Salvador del Mundo.
Ayon kay Figueroa, noong Hulyo 2005, isang tauhan ng QC Assesors Office na si Ivan Reodique ang tumawag kay Figueroa at nagtanong kung may maaaring tumulong sa problema sa Real Estate taxes ng isang Salvador del Mundo na may tax delinquency na P1.8 Milyon mula 1999 hanggang 2005.
Anya, kinontak niya ang dating kaibigan na dating empleyado ng QC Real Estate Division na si Cesar Perez na ang asawa nito ay isang Gloria na immediate staff ni Lorredo na noon ay OIC Real Estate Division ng QC Treasurers Office.
Sa usapang ito, lumalabas na ang babayaran lamang ni del Mundo ay mula taong 2004 hanggang 2005 at hindi kasama ang mula 1999-2003. Dito humingi si Perez ng P500,000 mula kay del Mundo para sa mga pipirma daw ng Tax clearance certificate na ipalalabas para maipakitang fully paid na ang utang sa buwis ni del Mundo.
Napaniwala siya ni Perez na genuine ang papeles dahil pirmado ito ng Real Estate Division officials na sina dela Paz, Gotladera, Dona, Lorredo at Enriquez.
Subalit nang magbabayad ng kanyang tax payment si del Mundo noong 2006 ay lumabas na 2004 at 2005 lamang ang nabayaran nito at hindi nangyari ang pangako ni Perez. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending