Retiradong heneral naghahakot ng sundalo para sa kudeta
Aktibo umanong nag re-recruit ng mga sundalo para lumahok sa kudeta ang mga retiradong heneral ng Armed Forces of the
Ito ang ibinulgar kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr. pero ipinahiwatig niyang bigo ang mga retiradong heneral na maka-recruit ng mga aktibong sundalo.
Sinabi ni Esperon na sa sandaling mahuli sa akto ang mga retiradong heneral ay pagugulungin nila ang batas laban sa mga ito.
Gayunman, tumanggi muna si Esperon na tukuyin ang pangalan ng mga retiradong heneral at ang tropa ng mga sundalo na target ng kanilang recruitment. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending