Tinanggal sa serbisyo ang isang pulis matapos kumalat ang kontrobersyal nitong sex video sa Davao City noong nakaraang taon.
Sa report ng Philippine National Police-Internal Affairs Service, tinanggal sa tungkulin si Chief Inspector Roland Vilela ng Davao City Police Office dahil sa kasong grave misconduct na inihain laban sa kanya kaugnay ng sex video na naglagay sa police command sa malaking iskandalo.
Si Vilela, dating hepe ng Police Anti-Vice Unit, ay nahaharap din sa kasong robbery, phy sical injuries at bigamy na isinampa ng kanyang asawa na isa ring pulis.
Nabatid na kumalat sa Davao ang sex video na nagpapakita kay Viela at sa kanyang kalaguyo habang nagtatalik sila. (Joy Cantos)