Demanda sinagot ni Co

Bilang reaksyon sa pahayag nina Co It at ng mga anak nito matapos ang pagbasa ng sakdal la­ban sa kanya sa Pa­ra­ñaque Regional Trial Court, sinabi ng isa sa mga akusado na si Anthony Co nais lamang ng una na makakuha sa kanya ng pera. Sinabi pa niya na isinampa lang ang kaso para pumayag ang mga nasasakdal sa gus­tong mangyari nina Co It.     

Nag-plead not guilty si Anthony Co sa kasong estafa na isinampa laban sa kanya ni Co It.      

Kaugnay ang kaso sa  mga shares sa kumpan­yang Green Cross na pinag­ tatalunan ng mag­kabilang panig.      

Sinabi ni  Anthony na nalulungkot siya sa mga akusasyon ni Co It sa kanya at sa iba niyang mga kapatid na pawang kasi­nungalingan umano.

Show comments