Demanda sinagot ni Co
Bilang reaksyon sa pahayag nina Co It at ng mga anak nito matapos ang pagbasa ng sakdal laban sa kanya sa Parañaque Regional Trial Court, sinabi ng isa sa mga akusado na si Anthony Co nais lamang ng una na makakuha sa kanya ng pera. Sinabi pa niya na isinampa lang ang kaso para pumayag ang mga nasasakdal sa gustong mangyari nina Co It.
Nag-plead not guilty si Anthony Co sa kasong estafa na isinampa laban sa kanya ni Co It.
Kaugnay ang kaso sa mga shares sa kumpanyang Green Cross na pinag tatalunan ng magkabilang panig.
Sinabi ni Anthony na nalulungkot siya sa mga akusasyon ni Co It sa kanya at sa iba niyang mga kapatid na pawang kasinungalingan umano.
- Latest
- Trending