^

Bansa

Daloy ng dolyar sa RP iipitin

- Ni Mer Layson -

Bilang protesta,  iipi­tin ng mga Pili­pi­nong nagtatrabaho sa ibang bansa ang pag­daloy ng dolyar sa Pilipinas.

Pansamantalang hindi magpapadala ng remittance sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas ang isang samahan ng mga overseas Filipino workers upang ipakita ang ka­nilang protesta laban sa pamahalaan.

Kasabay nito, idi­nek­larang “No Remittance Day” ng grupong Migrante International ang Marso 8 (Sabado), na kilala din bilang International Women’s Day, upang ipakita ang ka­nilang di pagkakun­tento sa panunungku­lan nito.

Ayon sa grupo, hi­hikayatin din nila ang iba pang mga OFWs na huwag magpadala ng pera sa kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas sa nasabing petsa.

Sa ganitong pama­maraan anila, maipa­pakita ng mga OFW ang kanilang protesta laban sa administras­yong Arroyo na inuulan ngayon ng mga ale­gasyon ng korapsyon at iba pang mga ano­malya.

Nabatid na ang United Filipinos in Hong Kong (UniFil), isang grupo ng mga OFW sa Hong Kong, ang nagpasimuno ng “No remittance protest.”

Anila, gagawin nila ito minsan sa loob ng isang buwan hanggang sa tuluyan na umanong mapatalsik sa pwesto ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Nagpahayag na rin naman ng pakikiisa sa “No Remittance Day” ang mga  Migrante chapter sa Saudi Ara­bia, Kuwait, Qatar at  United Arab Emirates (UAE).

HONG KONG

INTERNATIONAL WOMEN

NO REMITTANCE DAY

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with